Huwebes, Nobyembre 22, 2012

Bachelor in Electronic Communication Engineering/ Electronic Engineering

Napakaraming termino at depinisyon ang maari nating gamitin dito upang mas lalo nating maintindihan ang mga prinsipyo ng kursong ito. Sa kursong ito hindi natin pwedeng maiwanan sa pagbibigay emphasis sa Engineering na hindi nalalayo sa "pag likha". Kaya hindi ka matatawag na isang engineer kung wala kang nililikha o nagawa - labas pa ito sa framework na ibinibigay ng board exam para raw matawag kang engineer dahil isa ka ng "licensed". At nahahati sa iba't ibang linya ng paggawa ang Engineering, may Civil, Electrical na iba pa sa Electronics (raw), at Mechanical Engineer.
Ang "ether" o energy ay hindi din mawawala sa BSECE course, ika nga sa layman term ng mathematical equation ni Albert Einstein na E=mc2 na energy is everywhere therefore there is motion/speed, energy na nai-convert na sa electricity upang mapagana ang isang simpleng bagay hanggang sa isang komunidad.
Mula sa mga salitang iyon, maarin nating buuin ang lengwahe o wika ng ECE na kaiba sa iba pang linya ng engineering.

Bachelor in Secondary Education Major in English

Napakaraming termino at depinisyon ang maari nating gamitin dito upang mas lalo nating maintindihan ang mga prinsipyo ng kursong ito. Sa kursong ito ang pedagoy  o paraan kung paano matuto ang bawat myembro ng lipunan, ay pwedeng ibilang sa pinaka importanteng bagay upang mas lalong magpalalim sa pagtuturo. Ang indibidwal at ang relasyon o malaking kaugnayan nito sa lipunan at vice versa ay isa lamang sa maaring sakupin ng pedagogy. At syempre isa pa sa importanteng sangkap ng kursong ito ay ang wika o lengwahe. Sa paraang ito, nasisiguro natin kung paano nauunawaan o naiintindihan ang mga bagay na dapat pag-aralan at bukod pa dito, dahil nagbibigay tayo ng diin sa kurso, ang mga disiplinang ito ay may sariling lengwahe o wika din na kaiba o unique sa mga wika tulad ng Ingles, Filipino at iba pang wika.

Ang Humanities at ang mga course natin



Humanities ay isang art appreciation. Ito ang madalas na pag ko-coin sa “humanities”. Kailangan raw sa subject na Introduction to Humanities ay paa-aralan ang arts kaya naman madalas sa buong daloy ng subject sa buong semester ay puro “pag alam” -kung meron nga ba talaga. Aalamin ang kasaysay ng arts sa visual, music, at teatro ngunit ang ganitong paraan ay limitado lamang sa pagpapakuhulugang kung ano ba talaga ang humanities. Ika nga ni Karl Marx, walang art history ang makikita lang natin ay mga taong gumagawa ng art.

Kaya mula dito, nais nating bigyan pansin ang ating mga kurso o disiplina upang mas lalong bigyan ng karampatang kahulugan ang “humanities”. Halimbawa na lamang dito ang kurso na Bachelor in Secondary Education, Major in English na sa future ay magiging mga guro sa highschool at nariyan din ang Bachelor of Science in Electronic Communication Engineering (ECE) – pero hindi na nga ata ECE ang tawag dito, ayon sa mga estudyanteng nakausap ko kundi Electronic Engineering na kaiba naman sa Electric Engineering. Ang dalawang halimbawang kurso ay hindi lang naman simpleng dahil upang magkaroon ng trabaho ang mga nag-aral nito kundi kung ano ang magagawa ng kursong ito at ng estudyante sa pag unlad o pag usad ng tao sa lipunang ating ginagalawan.

Miyerkules, Nobyembre 21, 2012