Humanities ay isang art
appreciation. Ito ang madalas na pag ko-coin sa “humanities”. Kailangan raw sa subject
na Introduction to Humanities ay paa-aralan ang arts kaya naman madalas sa buong daloy ng subject sa buong semester
ay puro “pag alam” -kung meron nga ba talaga. Aalamin ang kasaysay ng arts sa visual, music, at teatro ngunit ang
ganitong paraan ay limitado lamang sa pagpapakuhulugang kung ano ba talaga ang humanities.
Ika nga ni Karl Marx, walang art history ang makikita lang natin ay mga taong
gumagawa ng art.
Kaya mula dito, nais nating
bigyan pansin ang ating mga kurso o disiplina upang mas lalong bigyan ng
karampatang kahulugan ang “humanities”. Halimbawa na lamang dito ang kurso na
Bachelor in Secondary Education, Major in English na sa future ay magiging mga
guro sa highschool at nariyan din ang Bachelor of Science in Electronic
Communication Engineering (ECE) – pero hindi na nga ata ECE ang tawag dito,
ayon sa mga estudyanteng nakausap ko kundi Electronic Engineering na kaiba
naman sa Electric Engineering. Ang dalawang halimbawang kurso ay hindi lang
naman simpleng dahil upang magkaroon ng trabaho ang mga nag-aral nito kundi
kung ano ang magagawa ng kursong ito at ng estudyante sa pag unlad o pag usad
ng tao sa lipunang ating ginagalawan.