Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Bachelor in Secondary Education Major in English. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Bachelor in Secondary Education Major in English. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Nobyembre 22, 2012

Bachelor in Secondary Education Major in English

Napakaraming termino at depinisyon ang maari nating gamitin dito upang mas lalo nating maintindihan ang mga prinsipyo ng kursong ito. Sa kursong ito ang pedagoy  o paraan kung paano matuto ang bawat myembro ng lipunan, ay pwedeng ibilang sa pinaka importanteng bagay upang mas lalong magpalalim sa pagtuturo. Ang indibidwal at ang relasyon o malaking kaugnayan nito sa lipunan at vice versa ay isa lamang sa maaring sakupin ng pedagogy. At syempre isa pa sa importanteng sangkap ng kursong ito ay ang wika o lengwahe. Sa paraang ito, nasisiguro natin kung paano nauunawaan o naiintindihan ang mga bagay na dapat pag-aralan at bukod pa dito, dahil nagbibigay tayo ng diin sa kurso, ang mga disiplinang ito ay may sariling lengwahe o wika din na kaiba o unique sa mga wika tulad ng Ingles, Filipino at iba pang wika.