Linggo, Hunyo 23, 2013

Tsismis at ang Lipunan

Pinapapak na ng mass media ang mga kwento ng komunidad - sa mga drama ng Face to Face at Personalan, iba pa dito ang iba pang makabag damdaming dramatization ng Maala-ala mo Kaya, Magpakailanman at Wagas. Hindi ata ito napapansin ng ilang mga tao sa akademya, lalong lalo na sa pagdudugtong nito sa lipunan, nakaasa lamang tayo kung ano ang sasabihin ng triong tagapagpayo at kung sino mang host ng show at kung sa pagbabalangkas ng konsepto kung ano ang lipunan at paano mapag-aaralan ang lipunan ay nakabalangkas sa mga di mabilang bilang na mga textbook - na nagmula lamang sa prinsipyong copy paste at na pinagsisiksikan ng mga napakaraming author sa iisang textbook, mahirap ng asahan kung saan nga ba papunta ang matututunan ng mga estudyante. Kaya naisip ko, bumalik tayo sa pinaka simpleng paraan paano natin bubuuin ang konsepto ng lipunan at pag-aaral nito mula sa kung ano ang meron sa sensibilidad ng ating bansa na tumatagos sa bawat institusyon - ito man ay mapa ekonomikal, kultural at politikal. Uunahan ko na. Dahil sa may mga salitang "simple" sa naratibong ito, malamang babansagan na itong overkill, ito ang pwede kong batayan ng isa sa limitasyon. Pangalawa ang pagiging abstrakto ng mga naratibo o kwento dahil nais ko din maitago ang pagiging personal ng mga kwento. At pangatlo, o huling magbibigay ng limitasyon sa tekstong ito ay ang lugar na pinagkunan nito. Ang ilang lugar sa Sta. Maria, Bulacan. Pero ang layunin lamang ng tekstong ito ay maiugnay ang sensibilidad ng kung ano ang meron sa mga maliit na komunidad at mga kwentong nagmumula dito, at mula doon, doon tayo magsisimula. At saan tayo magsisimula? Sa tsimis!

Ito ang ilan sa mga nakalap kong tsismis sa
1.       Yung kapitbahay na mag-asawa na palagi namang nag-aaway.
2.       Kapitbahay na pabaya sa anak.
3.       Kung paano napagawa nila Ka Nene yung bahay nila, maliit lang naman daya ang kita ng mag-asawa.
4.       Si Ka Negro na hindi pa nakakapagkape ay sisigawan na yung mga apo niya.
5.       Si Christian na may gusto kay Angelica.
6.       Lilipat na raw ng bahay sila Ka Remy, hindi pa nga nagbabayad ng utang nila.
7.       Hihinto na raw muna sa pag-aaral yung mga anak ni Mang George.
8.       Si Mark ay hindi nagbabayad ng utang sa tindahan.
9.       Isang babae naihi sa panggagalaiti.
10.   Matandang lalake, nahuling nambabae, pinalayas sa bahay ng asawa. Ngunit hindi umalis ang lalake at tumira na lang sa kulungan ng hayop sa likod bahay nila.
11.   Lalaking hindi makapagbigay ng boundary sa asawa, pinalayas at hiniwalayan. Lalake nambabae na lang.
12.   Babae, pinauwi ng Pinas dahil din a binigyan ng permit matapos itanggi ng asawa na anak niya ang anak nila.
13.   Isang bata, hindi na pinag aral matapos magnakaw ng bag ng titser sa eskwela.
14.   Isang ina, nagpaalam na dadalaw lang sa kaibigan, tuluyan nang lumayas at inabandona ang dalawang anak.
15.   Isang lalaking nagdodroga, binugbuo ang kinakasamang kabet at ginupit gupit pa ang buhok nito.
16.   Isang lalake, bading daw ayon sa ama dahil ibinibigay daw sa mga lalake ang kita, kaya walang maibigay sa ama na pera.
17.   Kuryente ng isang maliit na kapilya, tumataas ang bill nito dahil sa jumper ng mga katabing bahay nito.
18.   Isang mangungutang, tumama sa lotto pero din na binayaran ang mga utang.
19.   May nagsha-shabu raw kaming kapit-bahay.
20.   Asawa ng mga kapitbahay, may kabit, buntis pa raw.
21.   Pagyayabang na walang utang ngunit mayroon pala.
22.   Bahay ginagawa raw na motel.
23.   Kahit hindi kanya, inaangkin niya.
24.   Pagtulong daw niya’y taos puso ngunit nag-aantay pala ng bayad.
25.   Pangengealam sa gamit ng iba.
26.   Ang isang kapitbahay daw ay may relasyon sa nak ng katapat na bahay.
27.   Pagsusugal daw ay illegal, ngunit pati siya na nagsusugal pala.
28.   Isang teenager sa amin, may chikinini raw.
29.   Magpinsan may relasyon.
30.   Asong ulol gumagala sa daan.
31.   Magboyfriend, may anak agad.
32.   Magkapatid, nag aagawan sa iisang lalake.
33.   Ama pinagsamantalahan ang kanyang anak.
34.   Pastor pinagsasamantalahan ang kanayang ka-relihiyong dalagita.
35.   Estudyante pinagtangkang patayin ang kanyang punong guro.
36.   Tuwing gabi, maraming aswang na gumagala.
37.   Ina inabandona ang sariling anak
38.   Babae, nakunan o nagpalaglag ba?
39.   Mag-asawa na lagi daw pinag-aawayan ang utang.
40.   Mag ina na lagging inaabot ng maghapon sa pagbibinggo.
41.   Yung tito na mala-rockstar kung magpatugtug ng radyo.
42.   Kapit bahay naming pinapamigay ang mga gamit sa bahay.
43.   Tita na hakot ng hakot ng gamit sa ibang bahay.
44.   Yung dalawang lola na lagging nag-aaway dahil sa lupa.
45.   Pinsan na lagging nagsesermonan dahil layas daw.
46.   Teacher na mag-aabroad raw.
47.   Pinsan na nagsha-shabu.
48.   Kapit-bahay na ninakawan na ng pera, ninakawan pa ng kiss.
49.   Mag-asawa nag away, si mister may text mate kasi.
50.   Tatay binugbuo ang anak dahil bakla raw.
51.   Land lady sinugod ang umuupa, di raw nagbabayad ng renta.
52.   Magkumare, nagkasagutan, nasira ang samahan dahil sa utang.
53.   Dalaga pumatol sa lalaking kasing tanda na ng tatay nya.
54.   Mag-kamag anak, nagaaway dahil sa maliit na lupa.
55.   Kapit-bahay na madamot ayaw mamigay ng bunga ng bayabas kahit halos mabulok na sa puno at magkalaglagan.
56.   Babaeng may asawa na, pinatulan na lahat ng lalake magkapera lang.
57.   Magkumpare nagkapikunan sa inuman.
58.   Magkapatid nasira ang samahan, kasi si Ate winaldas ang pera ni bunso.
59.   Mag-asawa, umaasa daw sa nanay ng lalake.
60.   Handa ni baby, naubos ng wala pang isang oras? Tatay nagtaka.
61.   Kapit bahay mabuting maningil, makunat magbayad.
62.   Kapit bahay, dahilan ng kahirapan.
63.   Mag-ama naghiraman ng cellphone, secret nabisto.
64.   Tanim ko, binenta mo.
65.   Isang angkan, sa sugal nagdadayaan.
66.   Pag aaralin daw, drawing lang pala.
67.   Mataray pag may pera, maamong tupa pag walang pera.
68.   Anak pinalayas sa sariling bahay.
69.   Kapitbahay napalayas dahil hindi raw nakabayad ng upa.
70.   Bali-balita na ipagagawa raw ulit ang tulay, maraming tutol.
71.   Anak napalayas dahil daw sa pakikpag away
72.   Ampon ng isang lalake may girlfriend dawn a bading
73.   Babae hindi raw nakagraduate ng highschool dhail daw sa pagboboyfriend.
74.   Mag-asawa nag-aaway daw dahil sa pagte text ng asawa sa ibang babae.
75.   Batang lalake umuwi raw na may saksak, nakipag away daw sa kung sino.
76.   Mga lumang tinda di man lang daw pinapalitan sa isang tindahan.
77.   Tindahan nagsara dahil daw nalugi sa dami ng nangungutang.
                   
                              itutuloy....



i